bad weekend!

•Nobyembre 2, 2007 • Mga Puna

Ang ganda ng gising ko kaninang umaga, namalengke, at nag linis ng kwarto ko sa umaga. Adobo pa ang ulam kaninang tanghali. Makatapos mananghalian, naisip ko na pumunta sa Bahrain-Saudi “causeway” (a bridge linking Bahrain and Saudi Arabia) para naman makakuha ng shots sa aking kamera with friends.

A view from the causeway tower overlooking Bahrain

Sigeee… praktis! kuha dito, kuha doon ng kung anu-ano…

Hala sige pose pa! (Flat mates ko)

Ang saya ano? Nagdilim na pero maganda pa rin ang kuha, but not until shots in my camera started to blur. So i decided to get my flash and the “tripod”. Shooting at night or sunset in manual mode i think (at least as i understood it correctly from tips i read) needs a wide aperture with a slow shutter speed and a stable grip of the camera. (ISO set to 100 for better results)

Heto na po ang siste -pagsalpak ko ng kamera ko sa tripod, while testing the remote to trigger the camera as in kuntodo pose pa ang lahat. “Ang animal na kamera ko, nag-somersault”. Natigilan ang lahat…. kanina tawanan ngayon mga nakatulala. Animo eh nakakita ng bata na tumalon sa building pag bagsak eh dumami. Takbuhan sila papunta sa kamera, ako naiwan at nagkakamot ng ulo. Waaaaaaa….. ang Lens ko dumami!

Patay ang maliligayang araw ko hahaha… ang laruan ko nakahandusay sa damuhan at buti na lang inde nadale ang body! Hayuf na tripod yun bumigay ang lock at dinivorce ang kamera ko sa pagkakapit waaaaaa :)

Hay buhay! …pahinga muna sa luho roy :( hinay hinay lang ba.

Pero nakteteng di ko natiis hahaha… heto na po ang “kapalit” nyahahaha!!! :)

But it still is a “bad weekend”!!!