naki sawsaw na sa wordpress!

ano ba ang blog? ano ba ang wordpress? aba! malay ko!!!

dati chatroom ang tambayan ko. epal lang ng epal, minsan nasisipa sa room, minsan naman napagsasaraduhan ng pinto. pag may naligaw na bebot na sa paningin namin eh bibigay – aba heto na… kanya kanyang boladas! eventually ikakasa na ang pang capture at pag nag start na maghubo… PATOK!  ang saya hehehe…

nawala ang users room, napag diskitahan ng karamihan ang blog and the likes… at naiwan ako waaaa!!! panong di ako maiiwan eh di nga ako nahilig sa pag compose ng ganitong klaseng post na sa pangunawa ko ay kailangan ng malawak na pagiisip para makalikha ng kaaya-ayang babasahin. hindi rin naman ako ganon kabihasa sa pananalitang ingles. kayat napag pasyahan ko na lang na maghanap ng ibang mapag kaka abalahan.

dito sa bahrain wala ka halos mapasyalan. maliit lang na bansa pero simple ang pamumuhay (at may alak!). kaya halos lahat ng mapaglilibangan gaya ng billards, tennis, badminton, tong-its, majong, rc nitro powered cars and the latest DSLR camera ay napag diskitahan ko na. medyo magastos nga lang itong huli pero sulit naman pag nakikita mo ang resulta. ika nga ang sarap pala ng feeling kapag kontrolado mo sa halos lahat ng aspeto ang hawak mong kamera. basa dito, basa doon ng mga bagay na sa palagay ko ay makakatulong para mas maunawaan ko ang mundo ng potograpiya.

nabasa ko ang post ng isang kaututang dila at kapit bansa sa oman na si robin (aka azrael). kabibili lang niya ng mamahaling EOS 400D canon. nakakatuwa, YM agad ako at napag usapan nga ang bagong nakahihiligang libangan. hanggang sa mapadpad sa pag bigay niya ng payo na “gumawa ako ng photoblog”.  heto na po, kung di nyo napapansin mahaba haba na din ang nababasa nyo. ibig sabihin ay naguumpisa na akong mag compose hehehe…

heto na nga at nasagot ko na ang aking katanungan, kung ano nga ba ang blog, wordpress, atbp. 

sa mga susunod na araw ay susubukan kong mag post ng mga kuha ko sa aking camera na sa paningin ko ay makapag bibigay ng kaunting biswalisasyon kung ano ang hitsura ng bansa na aking ginagalawan. narito ang sampol…

bahrain @ night

 grand mosque, juffair

muharraq corniche

diplomat raddison

novotel

Advertisements

~ ni R O Y sa Oktubre 27, 2007.

12 Tugon to “naki sawsaw na sa wordpress!”

  1. anakanam! matindi unang entry mo royetah! maadkik ka rin dito sigurado! welcome to wordpress kapatid kong manyak! nyahahaha!

  2. wow. photoblogger. pangarap ko ring mag-photoblog. yan pala ang bahrain. napakainosente ko talaga. hehehe.

  3. welcome to wordpress…. 😉

  4. ang ganda pala ng bahraiN! mataas daw sweldo dyan sa bahrain at ang mga golds umaapaw! hahahaha!

  5. lolo royyyyyyyy..welcum! huwawwww, ganda ng kuha mo, ang ganda ng bansa mo ! 🙂

  6. welkam and enjoy..

  7. @ az – ganda ba yun eh baduy nga hehehe… samalat sa welcome at sa mga tips 🙂 sa uulitin ha.
    @ pauraong – hala huy! baguhan pa lang ako sa photography 🙂 salamat naman at napadaan ka.
    @ angel – salamat po ma’am sa pagsalubong, ganda ng avatar mo sa biglang tingin ang maiisip mo ay kaaya aya hehe… (joke!)
    @ eloiski – mataas nga po ang sweldo… nila! ako inde hahaha… ang presyo ng 1GB sa inet connection dito eh mas mahal pa sa isang gramo ng ginto waaaa…
    @ trish – oist! bakit lolo? aruuu eh mas may idad pa sa kin si babe mo eh waaaa… (joke ulet!) 🙂
    @ kengkay – salamat pow sa welkam.. ma’am.

  8. langya! andito ka lang pala! kung di pa sinabi sa akin ni bespren az eh di ko pa malalaman. nadagdagan ng pogi ang WP! weeeee!

    welkam, roy! mwaaaaaah!

  9. ganda naman ng pictures parang pang post card.

  10. mamaru – hehehe… salamat sa welkam. musta na? kita ko ang blog mo namamayagpag ah. 🙂

  11. hay napakaganda ng bharain i wish makapunta ko dyan

  12. hindi ko naiintindihan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: