bad weekend!

Ang ganda ng gising ko kaninang umaga, namalengke, at nag linis ng kwarto ko sa umaga. Adobo pa ang ulam kaninang tanghali. Makatapos mananghalian, naisip ko na pumunta sa Bahrain-Saudi “causeway” (a bridge linking Bahrain and Saudi Arabia) para naman makakuha ng shots sa aking kamera with friends.

A view from the causeway tower overlooking Bahrain

Sigeee… praktis! kuha dito, kuha doon ng kung anu-ano…

Hala sige pose pa! (Flat mates ko)

Ang saya ano? Nagdilim na pero maganda pa rin ang kuha, but not until shots in my camera started to blur. So i decided to get my flash and the “tripod”. Shooting at night or sunset in manual mode i think (at least as i understood it correctly from tips i read) needs a wide aperture with a slow shutter speed and a stable grip of the camera. (ISO set to 100 for better results)

Heto na po ang siste -pagsalpak ko ng kamera ko sa tripod, while testing the remote to trigger the camera as in kuntodo pose pa ang lahat. “Ang animal na kamera ko, nag-somersault”. Natigilan ang lahat…. kanina tawanan ngayon mga nakatulala. Animo eh nakakita ng bata na tumalon sa building pag bagsak eh dumami. Takbuhan sila papunta sa kamera, ako naiwan at nagkakamot ng ulo. Waaaaaaa….. ang Lens ko dumami!

Patay ang maliligayang araw ko hahaha… ang laruan ko nakahandusay sa damuhan at buti na lang inde nadale ang body! Hayuf na tripod yun bumigay ang lock at dinivorce ang kamera ko sa pagkakapit waaaaaa 🙂

Hay buhay! …pahinga muna sa luho roy 😦 hinay hinay lang ba.

Pero nakteteng di ko natiis hahaha… heto na po ang “kapalit” nyahahaha!!! 🙂

But it still is a “bad weekend”!!!

Advertisements

~ ni R O Y sa Nobyembre 2, 2007.

12 Tugon to “bad weekend!”

  1. hala. YARI!!! malas mo naman ampft! ano yang nasira? kit lense ba yan? tsk tsk tsk.. kung ako yan nagbigti na ako nyahahaha!

  2. az pare – AF S Nikkor 18-135mm 1:3.5-5.6G ED yan yung nasa last image :(. pwede pa naman yun hood at lens cover nyahaha… di bale pikitmata kong napindot yung “commit to buy” sa ebay kaya mga 2 weeks lang siguro andito na yun hehe. :

  3. spoiler ka ha. anyway, sayang naman. ang gaganda pa naman ng mga kuha mo. pag minamalas nga naman o. grabe. nakatutula rin ako tulad ng iba. ang dami palang technicality.

  4. jestoni! lanya meron na ren pala….mwehehehe… kungrats! ngapala ganda title mu ah… indi obyus na manyakis…

    ngapala ulet… kala ko sa tv lang nadadagdagan ng lbs… pati ren pala sa piktyur…nyahahaha jk jk jk!

  5. pasulong! este paurong pala – oo nga eh, alat ata ako ngayon, nakalimutan kong magsindi ng kandila nung undas eh hahaha…

    ampft si romnick nabuhay!!! – sarap kumain e…salamat napadaan ka hehehe 😉

  6. OT* bat sa tingin ko sa pic pumayat ka naman 😀

  7. parang na-imagine ko na rin ang reaction ko kung kasama mo ko dun sa nakakakita ng pagbagsak ng beybi nikka mo. malamang di rin ako makaka-pagsalita at nakatingin agad sa yo.

    kuuuu!!! kung bakit kasi bumibili ka ng tripod na mumurahin. bwahaha! mumurahin yata tripod mo eh. 😀

    nways, maganda mga kuha mo lalo na yung solo pic mo naka ngiti. mga ilang overtaym pa siguro eh mapapalitan mo na si beybi nikka mo.

  8. naku kahit di na magobertaym yang si neybor kayang kaya niyan bumili nukas agad hehehe… pero sayang sobra.. parang alam na alam mo na kuya na masisisra kamera mo todo smile ka pa lols.s.s..

  9. trish dear – naka white t-shirt lang ako kaya malusog tingnan hahaha 🙂

    mamaru – mumurahin nga 🙂 bili ko lang duon BD15 so mga Php1.7K, matibay naman yun ang problema, inabuso ko. nasa 2+ kgs ang camera sinalpakan ko pa ng SB600 na flash! at sinabayan ng malakas na ihip ng hangin. ayun! tigok ang lens ko 🙂

    🙂 neybor – may kapalit na hehehe..

  10. naks may blog na rin hahaha. di bale dami mo naman pera bili ka na lang ulit hehehe. link kita sa blog ko. hinde pa ako nakakapag update e. wag mo na tanungin basta ako yun hahahahaha….

  11. arrrgh 😀

  12. hehehhe. hokey site mo ganda pangalan, parang sundot-kulangot. heheh. add kita brader.. apir!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: